Hala napakarami na ng cobwebs ng blogsite na 'to. Sobrang napabayaan ko sa pagiging adik ko magpiktyur-piktyur at sa iba pang anik-anik hihihi. Madalas rin akong panggabi kaya wala akong masyadong maisip na maisulat. Teka, teka tama na nga ang pagsusulat ng mga dahilan na yan.
Ano nga ba bago sa akin? Eto, dati pa rin. Si Misalyn pa ring nangangarap maging photographer pero wala naman masyadong time mag-shoot kasi palaging panggabi ang duty sa hospital. Kaya madalas ang naipo-post ko sa aking photoblog eh mga kuha ng nakaraang bakasyon or minsan naman yung mga photos na inaamag na rin at halos sandamakmak na ang bilang at forever na lang nakalagay sa aking laptop.
Trabaho wise, dati pa rin. Nasa Pediatric Intensive Care Unit pa rin ako. Nag-aalaga ng mga batang kritikal ang kalagayan ng kalusugan dahil sa sakit. Madalas pa ring sumasakit ang ulo dahil sa mga "proud and mighty" na mga magulang ng pasyente. Masyadong matapang imbes na magpasalamat nga dahil inaalagaan ng maayos ang kanilang mga anak, kahit pa yung iba brain dead na. Nakakalungkot rin na bihira akong makapagturo ng Basic Life Support kasi understaff kami sa PICU. Miss ko nang magturo ng CPR, ventilation at mock code , malerky sa sagot ilang partcipants at magcheck ng answer sheets after magbigay ng test.
Pamilya wise, dati pa rin naman, awa ng Diyos. Nagpapasalamat ako at lahat naman kami ay maayos ang pangangatawan. Si mister magaling na after ng 2 major operations ng tuhod nya. Sa wakas makakapagtrabaho na ulet kaso mapapalayo sya sa amin. Kakailanganin nyang tumira sa Ruwais, mga 6 hours drive mula dito sa lugar namin. Hay naku, dagdag na trabaho nananaman 'to. Hirap maging super Nanay!
Teka puro ata reklamo ang naisulat ko. Maiba naman, gawin nating masaya. Sya nga pala, salamat kung sinoman ang nag-nominate ng aking photoblog sa PEBA Any Blogger, Anywhere! Contest para sa Picture! Picture! Blog category. Kung sino ka man, salamat ng marami. Nakakataba naman ng puso na may naniniwala sa aking kakayahan sa pagkuha ng litrato. ;)
Sumali rin ako sa isang international photo contest kaso hindi pinalad na manalo. Sabi nga nila, better luck next time :)). Sasali na lang ako ulet next year...weather-weather lang yan, baka makasuntok ako sa buwan next year hahahaha! Fingers crossed!
Ay! Meron naman palang magandang nangyari sa aking piktyur-pikytur career. Sinuwerte palang na-published ang ilan sa mga photos ko sa SEYAHA, ang stakeholder magazine ng Abu Dhabi Tourism Authority, sa kanilang July 2011 issue, kasabay ng pag-feature nila sa akin at ang aking mga obserbasyon sa Al Ain City. Kalerky neng! Nosebleed ako sa pagsagot sa interview. Naubos ata ang baon kong English :)) Sabi nila naka-jackpot daw ako kasi na-published sya sa UAE at internationally. Kung gusto mong mabasa, click ka lang dito at i-download mo lang ang PDF copy or preview mo ang E-brochure and turn to page 24 and 25.
O sya napahaba na ata ang aking kuwento. Next time naman ulet kapag tinopak ang aking mga kamay tumipa ng keyboard. Have a nice weekend!