Off ako ngayon sa trabaho at halos natapos ang buong araw ko sa panonood sa www.hayag.com sa live streaming ng Pilipinas Got Talent Grand Finals. Hindi ako pala panood ng mga reality at talent shows pero this time nanood ako dahil kay Jovit Baldivino. Marahil dahil humanga ako ng masyado sa binatilyong may malaking boses, or shall I say, powerful voice. I must say that his performances were all awesome and gave me some freaking goosebumps:) Hindi lamang ang boses nya ang hinangaan ko kundi pati na rin ang kanyang determinasyon na matulungan ang kanyang mga magulang. Aaminin ko, noong mapanood ko sya sa unang pagkakataon sa Pilipinas Got Talent ng kinanta nya ang Faithfully,pinahanga nya na ako. Halos naiyak nga ako ng sinabi nya na nagtitinda sya ng siomai after nyang pumasok sa school. Sa pangalawang pagkakataon na napanood ko sya ng inawit nya ang Carrie, mas lalo akong humanga sa kanya. There were times na inuulit-ulit ko pa ngang panoorin sa youtube ang mga past performances nya kahit na yung mga fan-made lang.
image downloaded from the internet
Right after watching Pilipinas Got Talent, I talked to my kids over the phone (nasa Pinas pa kasi sila, nagbabakasyon at parating sa July) and asked them kung sino ang bet nila kanina. Of course, bilang mga bata iba ang choices nila. My 7-year old son liked Ruther and my 12-year son liked Alakim. I asked them why. My 7-year old son JM told me na tuwang-tuwa sya sa puppet ni Ruther and my 12-year old son Joel told me that Alakim's magic is simply amazing. Nasabi ko sa sarili ko, ahhh ang mga bata pure entertainment lang ang nakita nila at hindi nila nakita at naramdaman ang istorya behind those talented people. Marahil dahil hindi nararanasan ng mga anak ko ang hirap na dinanas ng iba at tulad ng hirap na dinanas ko noon makapag-aral lamang.
Bakit nga ba si Jovit ang naging paborito ko among the 12 contestants? Hindi maipagkakaila na talagang napakaganda ng boses ni Jovit, sabi ko nga sa umpisa, powerful ang voice nya. Aside from the powerful voice, kakaiba ang karisma nya sa mga tao. Para sa akin mas malalim ang pinag-ugatan ng paghanga ko sa kanya. Nakakarelate kasi ako sa kwento ng buhay nya at bumilib ako sa pangarap nya na makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa pamilya. Marahil nakita ko sa kanya ang sarili ko. Hindi man ako magaling kumanta, pero yung kagustuhan ko na makatulong sa pamilya ko ay palaging nasa puso ko at marahil sa isang tulad ko na nanggaling rin sa isang mahirap na pamilya, ang pagtulong ang pinakapriority ko noon at hanggang ngayon. Marahil dahil marami rin akong napagdaanang pagsubok, mostly financial and emotional, noong nag-aaral pa lamang ako. Maraming pagsubok ang dumating pero pinilit ko na makabangon at pinairal ko sa aking puso at isipan ang pag-asa na isang araw maiaalay ko rin sa mga magulang ko ang diplomang minimithi ko. Yun nga lang Nanay ko na lang ang nakawitnessed dahil namayapa na ang Tatay ko bago pa man ako makabangon.
Mahabang panahon na ang nagdaan, maraming bagay na ang nangyari at maraming mga pagbabago sa buhay ko ang nakita at naranasan ko. Ang dating buhay ng pamilya ko noon ay ibang iba na sa ngayon. Lahat yun utang ko sa mga magulang ko na walang sawang nagmahal sa akin sa paraan na alam nila. Bagamat hindi perpekto sa paningin ng iba. Bahagi rin ang ilang kaibigan at kaklase sa college sa pagsuong ko sa mga problema. Ang iba nagsilbing inspirasyon at ang iba ay nagsilbing hamon. Malaki ang pasasalamat ko sa UERMMMC Nursing Alumni-USA, sa aking pamilya at sa Maykapal sa kung anoman ako ngayon.
Magpahanggang ngayon, ang pangarap na yun ay patuloy pa rin. Natupad na ang ilan at patuloy ko pa ring inaasam na matupad ang mga susunod pang pangarap. Modesty aside, hindi lamang sa pamilya ko natupad kundi umabot pa sa mga taong malapit sa aking puso. Kung loobin nga lamang ng Maykapal na maibalik ko ang dating si Misalyn, masaya akong tutulong muli sa mga kababayan ko sa pamamagitan ng Pinoy Forumers Society.
Hayyyyyy napahaba na 'tong nasulat ko. Bihira lang akong magsulat ng taglish. Pagpasensyahan nyo na ang mahabang reflection, pagmumuni-muni at paghahalintulad ko ng aking nakaraan sa buhay ni Jovit.
Isang pagsaludo sa kakayanan at talento ng isang Pinoy. Mabuhay ka Jovit! God bless you.
Isang pagsaludo sa kakayanan at talento ng isang Pinoy. Mabuhay ka Jovit! God bless you.
My apologies to my non-Filipino readers for writing my thoughts in Taglish (Tagalog and English). A blessed Sunday to all!
